Suportado ng mga senador ang muling pagpasa ng panukala para sa pagtatatag ng Bulacan Airport City special economic zone and Freeport.
Una nang ipinasa ng 18th congress ang naturang panukala subalit na-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, sa muli nilang pagtalakay sa panukala ay kumonsulta na sila sa mga eksperto, kabilang kay dating Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Amy Eisma, para matugunan ang isyung binigyang-diin ni Pangulong Marcos sa kanyang veto message sa unang naipasang Bulacan Ecozone Bill.
Naniniwala naman si Sen. Sherwin Gatchalian na matutugunan na ng tinatalakay nila ngayong panukala ang mga concern ng ehekutibo para makabuo ng isang epektibong bulacan ecozone bill.
Sa panig ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, iginiit na panukala ngayon ay mayroon nang sapat na mga safeguard at nakalinya na sa national development plans, mga polisiya, mga batas at mga panuntunan.
Binigyang-diin ng mga senador na malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng Bulacan ecozone sa pagpapalago ng ekonomiya, hindi lang ng Bulcan, kundi maging sa buong Central Luzon at ng buong bansa.
Bukod sa paghikayat ng mga investors at mga negosyo sa Pilipinas, inaasahang magbubunga ang Bulacan ecozone ng dagdag na trabaho sa mga Pilipino at posibilidad na paglago ng turismo. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News