Inamin ni Cagayan de Oro City 2nd Dist. Cong. Rufus Rodriguez, na sobrang pagkadismaya sa mga senador ang nag-udyok sa kanila para suportahan ang people’s organization na nag-susulong ng People’s Initiative.
Ayon kay Rodriguez, chairman ng Committee on Constitutional Amendment, mula pa noong 8th Congress tinangka ng amyendahan ang 1987 Constitution at hanggang ngayon na 19th Congress o sa nagdaang 35-years ay nananatiling Senado ang humahadlang dito.
Sa record ng komite, umabot na sa kabuhang 358 Charter change measures ang naisulong.
Kabilang dyan ang 83 Constituent Assembly o Con-Ass measures; 105 Constitutional Convension o Con-Con measures, at 98 other measures na hiwalay ang Senado at Kamara na magse-sesyon.
Inisa-isa rin ni Rodriguez ang mga inapruhan mula noong 8th Congress, ang HCR No. 10 na in-adopt rin ng 9th at 10th Congresses.
Noong 11th Congress isinulong ang HB No. 8273 na iminumungkahe ang people’s initiative, hanggang 12th Congress ibinalik ang Con-Ass salig sa HJR No. 11 o barangay assembly’ at hanggang ngayong 19th Congress at ayaw pa rin ng mga senador.
Ayon pa kay Rodriguez, ubos na ang kanilang pasensya dahil sa nagdang 35-taon nanatiling “obstructionist” ang Senado sa pagsisikap na ayusin ang mga maling probisyon ng 1987 Constitution, kaya wala na aniyang makakapigil pa para sa people’sinitiative. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News