Nais ni Las Piñas City Rep. at Deputy Speaker Camille Villar, na mapalawak pa ang “National Feeding Program” (NFP) sa mga paaralan kasabay ng pagtulong sa mga magsasaka.
Sa kanyang House Bill 9811, nais nitong amyendahan ang Republic Act 11037 o ang “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act.”
Paliwanag ng mambabatas, may pangangailangan na mapalawig ang NFP dahil marami ring “undernourished” na bata sa secondary schools, bukod sa Day care at kindergarten.
Sa panukala ni Villar palalakasin ang koordinasyon ng Department of Education sa Micro, Small and Medium size Enterprices (MSMEs), farmers’ cooperative, at community-based o grassroots initiatives.
Nakasad sa panukala na sa MSMEs at farmers’ cooperative o community-based suppliers na kukuha ng produkto ang Dep-Ed para sa programa.
Sa ngayon P29 ang budget para sa student meal, subalit sa panukala ni Villar ia-adjust ang halaga nito kada taon batay sa inflation at para sa nutritional adjustment. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News