Walang namonitor ang Philippine National Police na anumang plano para pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, na nananatiling mataas ang kanilang morale.
Patuloy din aniya silang nakatutok sa kanilang mandato na protektahan ang mamamayan.
Ginawa ni Fajardo ang pahayag matapos balaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kasalukuyang presidente na posibleng danasin nito ang kapalaran ng ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na pinatalsik sa poder sa pamamagitan ng pag-a-alsa noong 1986. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera