Humiling na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Senado at Kamara na bumuo ng solusyon sa harap ng bangayan sa Charter change.
Sa media interview sa Vietnam, inihayag ng Pangulo na nakipag-usap na siya sa kanilang legal luminaries upang humanap ng solusyon sa sigalot.
Sinabi ni Marcos na maaaring ang pinagtatalunan ng mga Senador at Kongresista ay kung magiging joint o separate ang pagboto kaugnay ng Cha cha.
Hinggil dito, hinimok ni Marcos ang mga lider ng dalawang kapulungan ng kongreso kasama ang mga eksperto sa konstitusyon, na bumuo ng mas simpleng solusyon na hindi na lilikha ng malaking kontrobersiya.
Mababatid na pumirma ang lahat ng 24 na senador sa manifesto na mariing tumututol sa People’s Initiative kaugnay ng Cha cha. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News