dzme1530.ph

Pag-aalis ng non-teaching tasks sa mga guro, suportado ng senador

Suportado ni Sen. Win Gatchalian ang desisyon ng Department of Education (DepEd) na alisin ang mga non-teaching tasks sa mga guro.

Sinabi ni Gatchalian na kinikilala sa hakbang na ito ang mahalagang papel ng mga guro at pinapasimple ang kanilang mga responsibilidad.

Mahalagang hakbang anya ito upang iangat ang kalidad ng sistema ng ating edukasyon sa bansa, at makikita ang maaaring maging resulta ng mga ito sa performance at efficiency ng mga mag-aaral.

Sinabi ni Gatchalian na kasama rin sa isinusulong niyang Revised Magna Carta for Public School Teachers ang pag-alis ng non-teaching tasks sa mga guro ng pampublikong paaralan.

Isinusulong din sa panukala ang pagha-hire ng sapat na non-teaching staff na magsasagawa ng mga administrative tasks.

Sa pamamagitan anya ng naturang hakbang ay matitiyak na matututukan na ng mga guro ang pagtuturo sa mga mag-aaral. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author