Hinihikayat ni Leyte 4th Dist. Cong. Richard Gomez ang COMELEC, na i-update at linisin mabuti ang listahan ng mga botante sa buong bansa.
Ang panawagan ni Gomez ay nakapaloob sa House Resolution 1542 na inakda nito, para maging malinis, tapat at mapagkakatiwalaan ang nakatakdang halalan sa Mayo 2025.
Punto ng actor-turned-politician, bago sana ituloy ang “voter registration” sa February 12, hanggang September 30, 2024 linisin na muna ang kasalukuyang listahan.
Hindi naman lingid sa lahat na napakarami pa ring pangalan sa voter’s list ang patay na, may multiple registrants at flying voters.
Kasabay ng resumption ng registration, ipapatupad rin ng poll body ang “Register Anywhere Program” (RAP) bilang bahagi ng electoral reform.
Para kay Gomez, magiging matagumpay lamang ang sistemang ito kung masisiguro ng COMELEC na malinis ang kanilang listahan. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News