Target muna ng Commission on Elections (Comelec) ang nakatakdang pagpapa-rehistro ng mga botante para sa susunod na halalan o midterm election.
Sa naging pahayag ni COMELEC Chairman Atty. George Garcia, sinabi nito na prayoridad nila sa ngayon ang pagpapatala ng mga bagong botante.
Hinimok naman ni Garcia ang lahat na magpa-rehistro na at samantalahin ang pagkakataon upang makaboto.
Sinabi ng COMELEC na ‘wag ng antayin ang deadline, dahil sisimulan ang registration sa February 12 hanggang September 30, 2024.
Ang pahayag ni Garcia ay kasunod ng nagiging desisyon ng Comelec en banc na itigil ang pagtanggap ng mga lagdang kinalap para sa People’s Initiative (PI).
Nabatid na ang kawalan ng kumpletong guidelines ang nag-udyok sa komisyon para suspendihin ang pagtanggap ng signature forms. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News