dzme1530.ph

8 Japanese national, ipinatapon ng BI pabalik ng kanilang bansa

Tuluyan nang ipinatapon ng Bureau of Immigration ang walong Japanese National pabalik sa kanilang bansa ngayong umaga.

Ang mga naturang Japanese ay ang mga naaresto sa operasyon ng BI ay kinilalang sina Harada Shota, Nakamura Naoto, Endo Sediro, Kobayashi Mikio, Hashimoto Kodai, Otani Takuya, Mayuzumi Kaito at Sakiyama Kenta.

Sila ay ikinulong sa Camp Diwa sa Taguig habang nililitis ang kanilang kaso dito sa bansa.

Ayon sa immigration ang pag-aresto sa mga suspek ay dahil sa impormasyon ng Japan interpol dahil sa pagkakasangkot sa ibat ibang krimen sa kanilang bansa.

Sangkot din ang mga naturang dayuhan sa ibat ibang krimen dito sa Pilipinas bukod pa sa kanilang kaso sa Japan dahil sa pagiging miyembro ng notorious na Luffy Robbery group.

Escorted ang mga naturang Japanese national ng immigration personnel PNP, Japanese Police at APD hanggang sa makasakay sila ng kanilang flight JAL 746.

Sa ngayon ay nanatili muna ang mga Japanese deportees sa lounge dito sa NAIA terminal 1 habang hinihintay ang kanilang flight ng 9:45 ngayong umaga patungong Tokyo Japan. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author