Inaprubahan ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng Grave Oral Defamation sa environmental activists na sina Jonila Castro at Jhed Tamano bunsod ng mga mapanirang pahayag laban sa militar.
Sina Castro at Tamano ay nawala noong Sept. 2, 2023 at nang iprisinta sila ng NTF-ELCAC sa presscon noong Sept. 19, ay nanindigan silang hindi sila sumuko, bagkus ay dinukot sila ng militar.
Nakasaad sa resolusyon ng DOJ na ikinu-konsidera nila ang statements ng dalawa bilang serious slander, dahil sa sirkumstansya ng kaso, lumilitaw na sinadya nilang maghintay ng pagkakataon at piniling sa presscon ihayag ang kanilang mga saloobin at hinaing.
Sinabi pa ng prosekusyon na mayroon namang oportunidad sina Castro at Tamano na ibunyag ang pagdukot sa kanila sa isang apolitical person mula nang dukutin sila ng mga sundalo pero hindi naman nila ginawa. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera