dzme1530.ph

DepEd at mga Unibersidad sa bansa, nagsimula ng bumalangkas ng mga panuntunan sa paggamit ng A.I

Aminado ang Department of Education, pati na ang iba’t ibang Unibersidad na hindi maiiwasan ang paggamit ng mga estudyante ng Artificial Intelligence (AI) sa kanilang schoolwork.

Sinabi ng isang propesor sa University of Santo Tomas na si Franz Cortez, na hindi naman siya tutol sa paggamit ng AI, subalit nakababala dahil posibleng dito na lamang umasa ang mga mag-aaral.

Sa bilis din ng pagbabago ng teknolohiya, ilang mga eksperto ang nagmungkahi na panahon na para ikonsidera ang paggamit ng AI sa iba’t ibang pamamaraan.

Ilang mga unibersidad sa bansa ang nagsimula ng bumalangkas ng mga panuntunan sa paggamit ng artificial intelligence.

Ayon kay DepEd Spokesperson, Atty. Michael Poa, gumagawa na rin sila ng malinaw na rules sa tamang paggamit ng teknolohiya na maaring gamitin at isama sa curriculum. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author