Sa harap ng bangayan ng dati at kasalukuyang administrasyon, tiniyak ng AFP na ipagpapatuloy nila ang pagiging united, competent, capable, at non-partisan, sa pagtupad sa kanilang mandato na protektahan ang mamamayan at ang estado sa lahat ng banta, sa labas man o loob ng bansa.
Sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na mananatili ang AFP bilang isang propesyunal na military organization na tapat sa chain of command, sa saligang batas, at sa taumbayan.
Ginawa ni Brawner ang pahayag, kasunod ng Bagong Pilipinas kick-off rally sa Maynila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng prayer rally sa Davao City ni dating pangulong Rodrigo Duterte na sabay idinaos noong Linggo ng gabi. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera