dzme1530.ph

Dating Pangulong Duterte, pinuna sa pagiging balimbing

Binuweltahan ni Speaker Martin Romualdez si former Pres. Rodrigo Duterte ng pagiging balimbing sa pagtutol nito sa isinusulong na economic constitutional reform.

Ayon kay Romualdez, tila nakalimutan ng dating Pangulo na nung siya ay nangampanya noong 2016, nakasentro ang kampanya nito sa pagpapalit ng porma ng gobyerno mula sa presidential tungo sa parliamentary form of government.

Sinabi ni Duterte na kontra siya sa People’s Initiative dahil kontento ito sa kasalukuyang Saligang Batas.

Pasaring ni Romualdez, baka nahirapan naman talaga si Pres. Duterte kase yung plataporma kaya siya nanalo ay federalismo, at hindi lang basta amendment ng economic provisions kundi baguhin ang buong sistema ng gobyerno.

Dagdag pa nito, malinaw na hindi niya ito kinaya, kaya naman ngayon na may naglulunsad ng magandang move para sa charter amendments, at nakikita nitong baka magtagumpay ito ngayon ay sinisiraan naman nito.

Tahasan pang sinabi ni Romualdez na binudol-budol lang ni Duterte ang taongbayan dahil wala naman talaga siyang ginawang maayos gaya ng isyu ng droga na tatapusin nito ng tatlong buwan subalit lumipas ang anim na taon ay marami pa ring droga kahit marami itong pinapatay.

About The Author