Naging matagumpay ang kabuuan ng naging kaganapan sa idinaos na Bagong Pilipinas Kick-off Rally sa Quirino Grandstand kagabi.
Ayon sa Manila Police District, bukod sa 46 na katao na binigyang ng atensyong medikal dahil sa pagkapagod sa init, hypertension, Dyspepsia, Vertigo, allergic rhinitis, dysmenorrhea, at iba pa ay wala nang naitalang untoward incident.
Halos 4,000 mga Pulis Maynila at NCRPO at iba pang unit ng ahensya ng pamahaalan ang nakibahagi sa aktibidad.
“Ang ‘Bagong Pilipinas'” ay isang panawagan para sa pagbabago, ang pagbabago ng ating ideya ng pagiging Pilipino at ang pagbabago ng ating ekonomiya, pamamahala, at ng lipunan. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News