dzme1530.ph

Senado, titiyakin ang economic growth at stability ng bansa

Muling tiniyak ni Sen. Nancy Binay ang commitment ng Senado para sa economic growth at stability kasabay ng pagtugon sa nangyayaring usaping politika na idinudulot ng isinusulong na Charter change.

Binigyang-diin ni Binay na kontra sa mga maling akala, ang Senado ay palagiang nagsusulong ng “pro-development” at “pro-progress” na pinatutunayan ng isinulong nilang Public Service Act (PSA), Foreign Investments Act (FIA), at Retail Trade Liberation Act.

Sinabi ni Binay na ang mga batas na ito ay malinaw na indikasyon ng dedikasyon ng Senado na maisaayos ang mga proseso sa ekonomiya patungo sa pag-unlad ng bansa.

Hindi anya dapat ibato sa Senado ang sisi dahil hindi naman ito ang responsable sa isinusulong na pekeng People’s Initiative.

Idinagdag ng senadora na dapat alam ng mga taong nasa likod ng People’s Initiative na may negatibo’t direktang impact ang mga ganitong patagong galawang Cha-cha sa ekonomiya.

Binigyang-diin ni Binay na pangunahing tinitignan ng mga negosyante ang stability ng bansa at dito anya committed ang Senado. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author