Tumanggi ang Malacañang na magbigay ng detalye kaugnay ng isinagawang magkabukod na executive session ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa mga senador at kongresista.
Ito ay matapos ipagpaliban ang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting, sa harap ng bangayan ng dalawang kapulungan ng kongreso hinggil sa Charter change.
Ayon kay Presidential Communications Office sec. Cheloy Garafil, dahil ang meeting ay executive sessions, itinuturing na confidential ang mga tinalakay dito.
Ang LEDAC ay ang meeting kung saan tinatalakay ang priority legislative agenda ng administrasyon.
Matatandaang humiling sa Pangulo ang isang kongresista na mamagitan sa Senador at Kamara sa harap ng alitan hinggil sa Cha-cha. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News