Naitala sa $247 million ang short-term foreign portfolio investments na lumabas sa Pilipinas noong 2023, batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang foreign portfolio investments na nirehistro sa BSP ay tinatawag ding “hot money” dahil sa mabilis na pagpasok at paglabas ng mga pondo sa merkado.
Ayon sa Central bank, ang $247-million foreign investment outlows na naitala mula Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon, ay kabaliktaran ng $887-billion net inflows na nai-record sa kaparehong panahon noong 2022. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera