dzme1530.ph

DFA, tiniyak ang buong suporta ng pamahalaan kay UN Special Rapporteur Irene Khan

Sa ngalan ng transparency at kooperasyon, tiniyak ng pamahalaan ang buong suporta para sa matagumpay na implementasyon ng mandato ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan na kasalukuyang nasa sa bansa.

Layunin ng 10-araw na official visit ni Khan, na suriin ang kalagayan ng karapatan sa pagpapahayag ng opinyon at saloobin sa Pilipinas.

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang pagsuporta sa mandato ng UN Special Rapporteur ay patunay ng commitment ng bansa para sa pagkakaroon ng matatag na environment para sa malayang pagpapahayag ng damdamin at saloobin.

Idinagdag ng DFA na kabilang sa mandato ni Khan ang pagsusulong ng freedom of opinion and expression, sa offline at online, alinsunod sa international human rights law at standards. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author