Umabot na sa 92% o 1,396 na siyudad at munisipalidad ang nakapag-setup na ng business one-stop shop, o ang digitalized at mas mabilis na pag-proseso ng business permits at iba pang dokumento sa pagne-negosyo.
Ito ang ibinahagi ng Dep’t of the Interior and Local Gov’t matapos ang sectoral meeting sa Malacañang kaugnay ng update sa compliance ng local gov’t units sa digitalization ng gov’t services.
Sa press briefing sa Palasyo, inihayag ni DILG Sec. Benhur Abalos na 85% 0 1,284 na mga LGU ang compliant sa standards ng pinagaang business permit at licensing.
60% naman o 921 cities and municipalities ang mayroon nang digital o automated business permit system, kung saan 799 LGUs ang gumagamit sa libreng e-LGU system ng Dep’t of Information and Communications Technology, at 122 ang gumagamit ng sariling innovative systems.
39% o 598 LGUs naman ang tumatanggap na ng online application, habang 15% o 222 LGUs ang tumatanggap ng online payments. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News