Nagbukas ng mga bagong pasilidad ang Bohol-Panglao International Airport na magpapaganda sa karanasan ng mga pasahero.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, maaari ng magamit ng mga pasahero sa palipapran ang breastfeeding station at kid’s play area na matatagpuan sa pre-departure area ng terminal.
Sinabi ni CAAP Area 7 Manager, Atty. Rafael Tatlonghari, na ang karagdagang pasilidad na ito ay nag-aalok ng komportableng lugar para sa mga nagpapa-breastfeed na ina at palaruan sa mga bata bago ang kanilang pagpunta sa mga destinasyon.
Ang proyektong ito ay isang inisyatiba ng Gender and Development (GAD) Committee ng BPIA upang magbigay ng mahusay at komportableng karanasan sa mga pasahero kung saan noon 2018 kinilala ito bilang unang eco-friendly na paliparan sa buong bansa. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News