Nadagdagan na naman ang presyo ng gasolina at diesel ngayong Martes habang walang paggalaw sa kerosene.
Sa ikatlong sunod na linggo, tumaas ng P1.30 ang kada litro ng gasolina habang P0.95 naman sa diesel.
Ang panibagong paggalaw sa presyo ng petroleum products, ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, ay bunsod pa rin ng umiigting na tensyon sa Middle East at matatag na demand growth na inaasahan ng Organization of Petroleum Exporting Countries sa susunod na dalawang taon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera