Pinalilinaw ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa Commission on Elections (Comelec) ang posibleng partisipasyon ng mga elected barangay officials sa itinataguyod na People’s Initiative.
Sinabi ni Abalos na kung pagbabatayan ang April 2022 resolution ng Comelec ay maaaring makiisa ang mga elected barangay officials sa partisan political activities tulad ng signature drives sa ilalim ng sectin 261 (I) ng Omnibus Election Code.
Samantala, hindi pa malinaw sa DILG ang lawak ng nasabing partisipasyon ng mga opisyal sa nasabing People’s Initiative.
Umapela naman si Abalos sa iba pang mga opisyal na maging maingat sa mga bibitiwang salita at pahayag hinggil sa People’s Initiative na itinuturing aniya bilang isang sensitibong isyu. DZME News