Ibinunyag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na isang manifesto na ang nilagdaan ng mga senador laban sa isinusulong na People’s Initiative kaugnay sa Charter change.
Sinabi ni Zubiri na ilalabas nila ngayon ang kopya ng manifesto na nilagdaan ng mga senador.
Nabatid na halos lahat na ng senador ay pumirma sa manifesto na naghahayag ng pagtutol sa People’s Initiative na ang pangunahing layuning balewalain ang senado sa pagsusulong ng Chacha sa pamamagitan ng joint voting sa halip na voting separately.
Una rito, naghain na ng resolusyon si Zubiri kasama sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda na nagsusulong na amyendahan ang ilang economic provision ng konstitusyon para maiwasan ang Constitutional crisis.
Subalit sa kabila nito patuloy pa rin ang pangangalap ng pirma ng mga nagsusulong ng People’s Initiative. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News