dzme1530.ph

State of calamity, idineklara sa San Fernando, La Union makaraang masunog ang isang wet market

Isinailalim sa State of Calamity ang lungsod ng San Fernando, La Union noong January 19, 2024 makaraang matupok ng sunog ang isang wet market sa lugar noong January 11, 2024.

Idineklara ng City Council ang state of calamity sa naganap na special session, para talakayin ang mga hakbang upang matulungan ang na-apektuhang mga negosyante at maglunsad ng clearing operations.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – La Union, bumuo na sila ng grupo na masusing mag-iimbestiga sa insidente, na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin matukoy ang dahilan ng nangyaring sunog.

Batay sa pagtaya, umabot sa P203 million ang halaga ng pinsala sa economic at development sa lugar, habang P90 million ang halaga ng danyos sa sektor ng imprastraktura. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author