Nanguna ang Metro Manila sa lugar na may pinakamalalang traffic congestion mula sa mahigit 380 metro areas sa buong mundo.
Batay sa pag-aaral ng TomTom traffic index, tumatagal ng 25 minutes at 30 seconds kada kilometro ang average travel time noong 2023, na mas mataas ng 50 seconds kumpara noong 2022.
Nasa 52% din ang congestion level sa rehiyon, kung saan umaabot sa mahigit isandaang oras ang nawawala kada taon tuwing rush hours.
Sumunod naman sa may “worst” traffic ang Lima, Peru; Bengaluru, India; Sapporo, Japan; Bogota, Colombia; Mumbai, India; Kaoshiung, Taiwan; Pune, India; at Nagoya, Japan.
Samantala, kabilang din sa pag-aaral ng TomTom Traffic Index ang pagsukat sa financial impact ng fuel costs, traffic congestion, fuel per kilometer per consumption, at carbon dioxide o CO2 emissions ng petrol, diesel, o battery electric vehicles. —sa panulat ni Airiam Sancho