Nagdeklara na ng State of Calamity sa Davao del Norte kasunod ng malawakang pag-ulan at pagbaha.
Nabatid na inaprubahan ito ng provincial board ng nasabing lalawigan upang maapura ang pamimigay ng tulong sa mga pamilyang apektado ng masamang panahon.
Ayon sa Davao del Norte Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 58,000 na pamilya na ang apektado dahil sa malakas na ulan.
Habang ang pinsala sa agrikultura ay umabot na sa P39-M sa kasalukuyan. DZME News