Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang pag-institutionalize at pagpapalawak sa Pag-abot Program ng Dep’t of Social Welfare and Development, para sa mga palaboy at iba pang mahihirap na indibidwal.
Sa Executive Order no.52, paiigtingin ang mga serbisyo ng gobyerno para sa vulnerable at disadvantaged families na nakatira sa lansangan.
Layunin nitong gawin silang mga produktibo o kapaki-pakinabang na miyembro ng lipunan.
Kaugnay dito, itatatag ang Inter-Agency Committee para pag-ugnayin ang mga programa ng iba’t ibang ahensya para sa mga palaboy.
Sa ilalim ng Pag-abot Program, binibigyan ng assistance packages ang street dwellers para sa transportasyon, relocation at financial assistance, transitory shelter assistance, livelihood, at employment assistance.
Kasama rin ang psychosocial support, capability building ng mga komunidad at local gov’t units, community assistance. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News