Red Carpet at hindi Red Tape.
Ito ang misyong ibinigay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang economic team, sa pangunguna nina Presidential Assistant for Investment Frederick Go, at Finance Sec. Ralph Recto.
Ayon sa Pangulo, magiging sentro ng misyon ng economic team ang sugpuin ang red tape na humahadlang sa industriya, at palitan ito ng red carpet para sa foreign at domestic capital tungo sa progreso.
Ipagpapatuloy din ang pagpapataas ng revenues o kita ng gobyerno, paghikayat ng investors, at paglikha ng mga trabaho at oportunidad para sa kasaganahan.
Iginiit ni Marcos na ang gobyerno ay hindi dapat maging pabigat sa mga negosyo tulad ng pagpapataw sa kanila ng mataas na buwis, at pagiging balakid sa kanilang paglago.
Tiniyak ng Pangulo ang pagpapatuloy ng business climate na magsusulong ng paglago ng ekonomiya, pagpapataas ng incentives, ease of doing business, at paglalaan ng pondo para sa high-impact infrastructure projects. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News