Nagbigay ang Department of Agriculture ng ayuda sa mga magsasaka ng sibuyas sa ilang lalawigan sa Central Luzon kasunod ng pamemeste ng armyworms o harabas sa kanilang mga pananim.
Bukod sa tulong pinansyal, kabilang sa mga ipinamahagi ng D.A., ay onion seeds at oil-based insecticides.
Batay sa datos ng ahensya, 366 mula sa 10,217 hectares ng tanim na sibuyas ang sinalanta ng harabas, bagaman 6.9 hectares lamang ang “totally damaged.”
Kabilang sa mga naapektuhan ang mga Bayan ng Bongabon at Talavera, at Palayan City sa Nueva Ecija, at mga bayan ng Anao at San Miguel sa Tarlac. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera