Asahan ng mga consumer ang posibleng bahagyang pagtaas ng kanilang bill sa kuryente simula sa Pebrero.
Ito’y makaraang bawiin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang suspensyon sa Feed-In Tariff Allowance (FIT-ALL) collection na ipinatupad simula noong Nov. 2022.
Ang FIT-ALL ay uniform charge na ipinapataw sa lahat ng on-grid electricity consumers na kasama sa electricity bill.
Ang umiral na FIT-ALL rate ay P0.03 per kilowatt-hour, kaya naman ang pagbawi sa suspensyon ay nangangahulugan ng mahigit P7.00 increase sa monthly bill ng mga komukonsumo ng 200 kilowatt-hours. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera