dzme1530.ph

Grupo ng mga guro, dismayado sa kabiguan ng gobyerno na magpatupad ng dagdag-sweldo

Dismayado ang Alliance of Concerned Teachers(ACT) sa gobyerno dahil sa kabiguan na magpatupad ng dagdag-sweldo para sa mga guro.

Ikinalungkot ni ACT Chairperson Vladimer Quetua ang sahod nitong January 15 na aniya’y “first payday in 2024 with no salary increase.”

Binigyang-diin ni Quetua na natapos na ang Salary Standardization Law (SSL) V, kaya naman inaasahan ang bagong round ng umento sa sahod ngayong taon.

Pero, wala sila aniyang nakikitang hakbang ng gobyerno upang matiyak ang pagtaas ng sahod.

Ikidismaya rin ng grupo ang kabiguan ng kasalukuyang Administrasyon sa kanilang pangako na dagdagan ang sweldo ng mga guro, habang tikom naman ang Dept. of Education sa mga panawagan ng teachers at mga empleyado ukol sa usapin. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author