Hindi pa man natatapos ang imbestigasyon sa isyu ng power outage sa Panay Island sa pagpasok ng taon, muli na namang umiral ang blakcout sa Western Visayas.
Sinabi ni Senador Grace Poe na hindi dapat masanay ang rehiyon sa rotational blackout.
Dapat anyang magdoble kayod na ang mga ahensya ng gobyerno kasama ang National Grid Corporation of the Philippines at mga pribadong kumpanya upang matukoy at maresolba ang dahilan ng blackout.
Ipinaalala ng senador na palaging apektado sa kakapusan ng suplay ng kuryente ang mga bahay, paaralan, negosyo at mga tanggapan ng gobyerno.
Binigyang-diin ng mambabatas na panahon na upang may mapanagot sa paulit ulit na kakapusan ng suplay ng kuryente sa rehiyon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News