dzme1530.ph

Suplay ng manok sa Pilipinas, sapat, ayon sa DA

Sapat ang suplay ng manok sa Pilipinas sa kabila ng ipinatupad na importation ban mula sa ilang bansa dahil sa outbreak ng bird flu.

Ito ang tiniyak ng Dept. of Agriculture matapos maglabas ng Memorandum Order na nagsususpinde sa shipments ng domestic at wild birds, poultry meat, day-old chicks, eggs, at semen galing sa Japan, France, Belgium, at sa Ohio at California sa Amerika.

Base sa datos, nag-aangkat ang Pilipinas sa U.S ng $175 million o katumbas ng 166,000 metric tons ng poultry meat.

Samantala, sinabi ng Philippine Egg Board Association(PEBA) na sa ngayon ay nabawasan ng mahigit piso kada piraso ang farmgate price ng itlog, subalit, nananatili pa ring mataas ang retail price nito sa merkado. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author