Sandamakmak na alamang ang inanod sa dalampasigan sa isang barangay sa San Isidro, Leyte.
Timba-timbang alamang ang nahakot ng mga residente na pangalawang beses na umanong nangyari sa naturang lugar.
Paliwanag naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)- Central Visayas, ang naturang pangyayari ay pagpapakita na malinis ang tubig sa dalampasigan.
Una nang napaulat nito lamang ding Enero ang tone-toneladang tamban na napadpad sa baybayin ng Sarangani na ayon sa BFAR ay bunsod ng “upwelling.” —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera