Tinaya sa mahigit 20,000 colorum na jeepneys ang posibleng nag-o-operate sa Metro Manila.
Batay sa datos na inilabas ng Land Transportation Office at LTFRB, mahigit 40,000 units ang binigyan ng Franchises to Operate sa Metro Manila, subalit 22,000 lamang ang rehistrado.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza, maaring hindi pinatatakbo ang mga unit o kaya ibina-biyahe pero colorum naman.
Ikinu-konsidera rin ng LTFRB ang posibilidad na karamihan sa mga hindi rehistradong sasakyan ay tumigil na sa pagpasada at nasa 600 nalang ang buma-biyahe pa rin sa kanilang mga ruta. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera