Ini-rekomenda ng Private Sector Advisory Council kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pansamantalang pag-aalok ng 30-day visa-free entry para sa mga turista sa bansa.
Ito ay upang maitaguyod umano ang “Visit, Stay, Spend Money and Return” sa mga dayuhang bisita.
Ayon sa PSAC Tourism Sector, ito ay magiging kaakibat ng pagpapagaan at pagpapabilis ng pagkuha ng VISA tulad umano ng ginagawa sa Thailand, Vietnam, at Malaysia.
Samantala, tinalakay din ng PSAC ang posibleng pagkuha ng 3rd-party service provider na mamamahala sa E-Visa System.
Isinulong din ang pagpapalakas ng Public Private Partnership para sa pagpapaganda ng regional airports.—ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News