dzme1530.ph

5,000-10,000 informal settler families na maaapektuhan ng PRUD project, ire-relocate!

Ire-relocate ng gobyerno ang nasa 5,000 hanggang 10,000 informal settler families na maaapektuhan ng 25-kilometer “Pasig Bigyan Buhay Muli” project sa Pasig River.

Ayon kay Dep’t of Human Settlements and Urban Development Sec. Jerry Acuzar, itatayo ang 60,000 housing units sa 25 ektarya lupa sa Baseco Compound sa Port Area Maynila.

Ilulunsad din ang relocation housing project sa Lupang Arenda sa Rizal, na idurugtong sa isang Central Park na posibleng tawagin bilang “Marcos Park”.

Sinabi naman ni Acuzar na sa ngayon ay wala pang informal settler families ang apektado ng itinayong Promenade Park.

Inatasan naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang DHSUD na magtayo ng pabahay na tutugon sa lahat ng antas ng pinansyal na kakayanan, at uunahin umano ang mga nakatira malapit sa ilog na kadalasang lumilikas kapag may mga nagbabadyang bagyo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author