Mariing kinondena ni Pope Francis ang missile attack ng Iran sa Kurdistan Region sa Northern Iraq.
Kaugnay nito, hinimok ng Santo Papa ang dalawang partido na huwag nang palalain ang tensyon sa Middle East.
Bunsod ito nang nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Israeli forces at militanteng Hamas kung saan, libo-libong katao na ang nasawi.
Nagpahayag naman ng pakiki-isa si Pope Francis sa mga biktima, na pawang sibilyan, sa nangyaring pag-atake ng Iran sa kabisera ng Erbil.
Nanawagan din ang Santo Papa ng panalangin para sa maraming biktima ng digmaan, partikular sa Ukraine, Gaza, ibang Palestinian Territory, at sa Israel. —sa panulat ni Airiam Sancho