Iniutos ng Office of the Ombudsman ang pagpapatalsik kay Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Jo Mark Libre dahil sa Nepotism at Grave Misconduct.
Nag-ugat ang dismissal dahil sa mga reklamo ng umano’y rekomendasyon ng Nepotic Appointment ng kaniyang mga kamag-anak sa ilalim ng kaniyang pangangasiwa.
Ka-akibat ng pagpapatalsik sa serbisyo ang pagkansela ng eligibility, pag-forfeit sa retirement benefits maliban sa mga na-ipon na leave credit, at perpetual disqualification para sa re-employment sa government service.
Matatandaang itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Libre bilang Comissioner ng CHED noong February 9, 2022.
Bago pa man ang kaniyang appointment, napatunayan ng Civil Service Commission – Davao Region noong 2019 na guilty si Libre sa Grave Misconduct, Serious Dishonesty, at Fabrication ng opisyal na mga dokumento. —sa panulat ni Airiam Sancho