dzme1530.ph

Pag-aangkat ng sibuyas, pinasususpinde ng isang grupo

Hinimok ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc.(PCAFI) ang Dept. of Agriculture (DA) na suspindehin ang pag-aangkat ng sibuyas sa susunod na anim na buwan o sa Pebrero hanggang Hulyo ngayong taon.

Ito ay upang maiwasan na magkaroon ng labis na suplay ng produkto dahil sa inaasahang pagtaas ng lokal na produksyon.

Ginawa ni PCAFI President Danilo Fausto ang apela dahil sa pagtaya na lalawak nang 40% ang mga taniman ng sibuyas.

Base rin aniya sa inisyal na datos mula sa lokal na pamahalaan ng Nueva Ecija, mayroong 40% increase ng mga lugar na pwedeng pagtaniman ng nasabing produkto.

Dagdag ni Fausto, maging ang mga lalawigan na hindi naman karaniwang nagtatanim ng sibuyas ay kasalukuyan nang nagtatanim, kabilang dito ang Tarlac, Pampanga, Bataan, at Zambales. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author