dzme1530.ph

PBBM, may karapatang batiin ang sino man, kabilang ang Taiwan leader, ayon sa isang mambabatas

Ipinagtanggol ni Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Dong Gonzales Jr. si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kritisismong inabot nito nang batiin ang nanalong pangulo ng Taiwan na si Lai Ching-Te.

Buwelta ni Gonzales sa Chinese Foreign Ministry, may karapatan si Pang. Marcos na batiin ang sino man, kabilang ang bagong halal na pangulo ng Taiwan.

Aniya, ang gesture of goodwill sa Taiwan leader at tugma sa diplomatic principles at commitment ng kanyang administrasyon na isulong ang positive international relations.

Dagdag pa ni Gonzales, pinapahalagahan ng Pilipinas ang diplomatic relations nito sa China at nananatili ang mutual respect, kaya hindi tamang sabihin na ang pagpapakita ng “friendly ties” sa karatig bansa ay paglalaro ng apoy gaya ng sinabi ng China foreign ministry.

Hindi rin nito nagustuhan ang payo ng foreign ministry ng China kay Pang. Marcos na aralin at laliman nito ang pangunawa sa isyu ng Taiwan at China kaya may “One China Policy.” —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author