Inutusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Maritime Industry Authority na i-istandardize ang Philippine Maritime Industry, upang makasabay ito sa pamantayan ng ibang bansa.
Sa meeting sa Malacañang, pinuna ng pangulo ang tila mga wala nang saysay na panuntunan at operasyon sa maritime industry bunga ng kawalan ng unified system.
Kaugnay dito, iginiit ni Marcos na kailangang i-standardize ang nasabing industriya upang mailatag ang mga naaayong programa, at upang mai-linya ito sa international standards.
I-prinisenta naman ni MARINA Administrator Sonia Malaluan ang Proposed Maritime Industry Development Plan 2028, na magsusulong sa pagpapatatag ng Philippine merchant fleet, highly skilled Filipino at competitive maritime workforce, at modernisasyon at expansion ng Philippine domestic shipping at ship repair industry. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News