Pinaiimbestigahan na rin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang problema at mahal na elektrisidad sa Palawan.
Sa House Resolution 1544 ni Romualdez at Palawan Reps. Jose Alvarez at Edgardo Salvame, hiniling nito sa Committee on Energy na magsagawa ng inquiry, in aid of legislation sa kalagayan ng Palawan Electric Cooperative (PALECO).
Ayon dito, obligasyon ng Estado na bigyan ng reliable, ligtas at abot kayang power sources ang taumbayan.
Subalit hindi aniya ito nangyayari sa Palawan dahil ang umiiral dito ay sobrang mahal na bayarin sa kuryente, mababang energization level at inefficient power distribution.
Nagsimulang tumaas ang power rates sa Palawan noong buwan ng Nobyembre, nang pumasok ang PALECO sa Emergency Power Supply Agreement (EPSA) sa Delta P, Inc.
Ito’y dahil naman sa utos ng Energy Regulatory Commission na i-cease ng PALECO ang kanilang Power Supply Agrement sa Delta alinsunod sa utos ng Korte Suprema.
Gayunman ang EPSA ay may non-extendable life na hanggang Oktubre lamang ngayong taon, kaya naman salig sa DOE Circular 2023-06-0021, ang kasunduan ng PALECO at Delta ay hindi entitle sa ano mang subsidy.
Ito umano ang dahilan kung bakit itinaas ng PALECO ang kanilang singil na siya namang iniaangal ng mga consumers nito, bukod pa sa poor ang performance nito. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News