Mayroong naka-standby na 1.4 million na family food packs sa buong bansa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), as of January, na gagamitin para sa disaster response.
Ayon kay DSWD Undersecretary Diana Rose Cajipe, walang makapagsasabi kung kailan tatama ang kalamidad, kaya mainam na mayroong nakahandang augmentation kapag kinakailangan.
Sinabi ni Cajipe na karamihan sa family food packs ay naka-preposition sa Island provinces at mga Munisipalidad na mahirap puntahan kapag may kalamidad.
Nakaimbak aniya ang family food packs na naglalaman ng bigas, de lata, kape at cereal drinks, sa mga warehouse na pag-aari ng pamahalaan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera