dzme1530.ph

Ilang bahagi ng Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 5.7 na lindol kagabi

Inuga ng magnitude 5.7 na lindol ang ilang bahagi ng Surigao del Sur, alas-8:30, kagabi.

Natunton ng PHIVOLCS ang epicenter ng lindol na tectonic in origin, 48 kilometro hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, at may lalim na 10 kilometro.

Naramdaman ang Intensity 5 sa Bislig City habang Intensity 3 sa bayan ng Cagwait.

Ayon sa State Seismologists, ang naranasang pagyanig kagabi ay aftershock pa rin ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Hinatuan noong Dec. 2, 2023. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

 

 

About The Author