dzme1530.ph

China, binalaan ang Pilipinas na “huwag maglaro ng apoy” matapos batiin ni Pangulong Marcos ang bagong halal na Pangulo ng Taiwan

Binalaan ng China ang Pilipinas na “huwag maglaro ng apoy” makaraang magpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa president-elect ng Taiwan na si Lai Ching-Te.

Sinabi ng Spokesperson ng Foreign Ministry ng China, na hindi nila nagustuhan at mariin nilang tinututulan ang ginawang pagbati ni Marcos kay Lai matapos manalo sa eleksyon sa Taiwan.

Ayon sa Tagapagsalita na si Mao Ning, ang pahayag ni Marcos ay seryosong paglabag sa One China Principle at pagsira sa political commitments ng Pilipinas sa China, at panghihimasok sa internal affairs ng China.

Una nang nilinaw ng Department of Foreign Affairs na kinikilala pa rin ng Pilipinas ang One China Policy, at ang pagbati ng Pangulo kay Lai ay paraan lamang ng pasasalamat nito sa pagho-host ng taiwan sa mga OFW.

About The Author