Kinumpirma ng Comelec sa Mandaue City na nakatanggap ito ng forms na mayroong 30,000 pirma mula sa 27 barangay sa nag-iisang distrito ng lungsod.
Kaugnay ito ng People’s Initiative na isinusulong ng ilang grupo para amyendahan ang 1987 Constitution.
Sinabi ni Mandaue City Election Officer Atty. Anna Fleur Gujilde, na naabot na ng naturang mga pirma ang 7,000 na required sa legislative district base sa bilang ng mga botante.
Sa ilalim ng 1987 constitution, ang mga petitioner sa People’s Initiative ay kailangan makakalap ng lagda na at least 12% ng total number ng registered voters. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera