dzme1530.ph

Proseso sa pagbabago sa Konstitusyon, ‘di dapat madaliin o i-shortcut

Hinimok ni Sen. Nancy Binay ang mga mambabatas na huwag madaliin o i-shortcut ang pagsusulong ng mga pagbabago sa konstitusyon.

Sinabi ni Binay na kailangang marinig ang lahat ng sektor sa pagtalakay sa mga pagbabago kahit na nakatutok lamang ito sa economic provisions

Kabilang anya sa dapat pakinggan bukod sa mga pulitiko ay ang mga negosyante, ang sektor ng academe, mga manggagawa, professionals at iba pang bahagi ng lipunan.

Ipinaalala ng senador na konstitusyon ang pinag-uusapan kaya’t mahalagang maging malawak ang konsultasyon.

Ipinaalala pa ni Binay na kung tutuusin sa ngayon ay marami na silang mga batas na naipasa na naglalayong makaakit ng dayuhang mamumuhunan.

Kabilang na rito ang Foreign Investment Act, Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), Retail Trade Liberazalition Act at ang pending sa Korte Suprema na Public Service Act. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author