Handang sagutin ng Malacañang ang petisyong inihain sa Korte Suprema laban sa P449.5 billion additional unprogrammed funds sa 2024 national budget.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, magsusumite ng sagot ang executive dep’t kung ipag-uutos ito ng kataas-taasang hukuman.
Mababatid na inihain ni Albay Rep. Edcel Lagman ang petisyong kume-kwestyon sa ligalidad ng excess unprogrammed funds sa pambansang budget.
Kabilang sa mga pinangalanang respondents ay sina Executive Sec. Lucas Bersamin, Budget Sec. Amenah Pangandaman, at National Treasurer Rosalia de Leon.
Una nang ipinaliwanag ng Dep’t of Budget and Management na ang unprogrammed appropriations ay magsisilbing standby funds ng gobyerno upang matustusan ang mga biglaan o hindi inaasahang gastusin.—ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News