dzme1530.ph

PBBM, lalagda sa 5-year rice supply deal sa Vietnam

Lalagda si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa limang taong kasunduan sa Vietnam para sa suplay ng bigas.

Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., inatasan sila ni Marcos na bumuo at isa-pinal ang Memorandum of Agreement, upang mapirmahan na ito sa nakatakdang pag-biyahe ng Pangulo sa Vietnam sa katapusan ng buwan.

Sinabi rin ni Laurel na halos tapos na nila ang draft ng MOA.

Ipinaliwanag ng DA Chief na sa ilalim ng kasunduan, titiyakin ng Vietnam ang patuloy na pagsu-suplay ng bigas sa bansa, kahit na sa panahon ng kalamidad.

Mababatid na sa sidelines ng 43rd ASEAN Summit sa Indonesia noong Setyembre 2023, nagkasundo sina Marcos at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh sa pag-balangkas ng 5-year rice trade deal. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

 

About The Author